Pag-ibig Ng Pag-asa (Love Of Hope).Limitless.

Sa isang takip-silim, aking natanaw,

Kalawakan ng kadiliman ang napanglaw.

Mga mata’y ‘di makakita ng malinaw,

Damdamin ko’y nawasak, tila nagunaw.

Liwanag aking hinahanap, aking inaasam,

Pag-ibig ng pag-asa aking dinamdam.

Bakit sobrang bigat ng pakiramdam?

Tila naghihina at nagdaramdam.

Patuloy na nangangapa sa kadilimang tanaw,

Sinusubok na bumangon araw-araw.

Akala’y makakaya, ngunit pag-ibi’y ninakaw,

O Kay hirap mabuhay sa mundong kay babaw.

Munting liwanag sa kasuluka’y nakita.

Kaya’t pintig ng aking puso’y tila nag-iba.

Pag-ibig ng pag-asa’y muling nagsimula,

Muling nagmahal, muling sumaya.

Munting liwanag na may sariling kulay

Pag-ibig ng pag-asa’y tila kumakaway.

Pilit na sinusundan ngunit di makasabay,

Bakit tila umaasa pa rin habambuhay?

Sa isang iglap liwanag ay nag-iba,

Tulad ng iba’y unit-unting nabura.

Akala’y habambuhay ngunit tapos na,

Kaya’t Pag-ibig ng pag-asa’y muling nasira.

Ngayo’y nagbalik sa kadilimang sinimulan,

Kalungkutan at paghirap ay muling nalulan.

Aking nadama matinding kahirapan,

Gustong lumuha ngunit kailangan tumahan.

Sa aking pagpikit, kay raming nakita,

Pag-ibig ng pag-asa’y patuloy na umaasa.

Sa kaloob-looba’y may liwanag pang nakita,

Sana’y magbalik, sana’y magpakita.

Hanggang sa huling pintig, ako’y umaasa

Pag-ibig ng pag-asa’y muling matatamasa.

Habang naghihintay ay kadiliman na muna.

Tiwala sa puso’y liwanag ang madarama.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s