Pag-ulan Ng Pag-ibig Mo.Limitless.

Kapag nagmahal ka

Hindi naman mahalaga

Na may kapalit o kabayaran.

Ang mahalaga, masaya ka,

Napupunan ang puwang sa puso

At natutupad ang pangarap mo

Kasama ang mahal mo

May mga pagkakataong susubukin,

Pag-aawayin at paghihiwalayin.

Lahat ng tao sasalungat.

Pero hindi mo kailangan makinig.

Ang mahalaga, ano’ng nasa puso.

Ano nga ba’ng nasa puso mo?

Sasayangin mo pa ba kung ano’ng meron ka,

O, hahayaan mo ng ang pag-ibig ang sumalo sa ‘yo?

Oo, mahirap.

Pinili kong magpakatanga,

Magbulag-bulagan para sa’yo.

Wala akong hinihinging kapalit,

Ikaw lang ang kailangan ko.

Wala ng ibang hahanapin pa,

Pero bakit ganito, tila napapagod na?

Tila natuyo na ang puso ko

Kakahintay sa pag-ulan ng pag-ibig mo.

Advertisements

7 thoughts on “Pag-ulan Ng Pag-ibig Mo.Limitless.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s